Tuesday, October 6, 2009

RIZAL: BAYANING THIRD WORLD-a Film Review

Ang pelikula ay umiikot lamang sa isang layunin. Ang makagawa ang mga tauhan (Ricky Davao at Cris Villanueva) ng isang pelikula o dokumentaryo na nagpapakita ng akma o yung mismong-mismong nangyari sa buhay ni Rizal.

Ang mga tauhan, sa umpisa ay namroblema sa kung ano ang tamang maging highlight ng kanilang pelikula. Ipinakita rin sa pelikula na ang buhay ni Rizal ay unang isinapelikula ng mga banyagang director. Sa pagkakaintindi ko sa pelikula, dalwang banyagang director ang sabay na lumikha ng pelikula para sa buhay ni Rizal at ang unang nakatapos ay si Yearsley. Ang ipinakita lamang sa pelikula ni Yearsley ay paglilitis kay Rizal at ang aktwal na pagbaril dito sa Bagumbayan noon ika-30 ng Disyembre, 1896.

Isa pang problema ng mga filmmakers sa pelikula ay kung paano ang Magiging execution ng pelikula, ito ba’y sa komersyal na pamamaraan na ikinumpara pa nga ni Ricky Davao sa pagbebenta ng deodorant o sa paggawa ng pelikula na magtatampok sa highlight o pinaka-kontobersiyal na isyu sa buhay ni Rizal.

Sa kalagitnaan ng pelikula, luminaw na ang kanilang layon na ang itampok sa dokumentaryong gagawin ay ang tungkol sa retraksyon ni Rizal.

Maraming argumento. Naipakita nila ang pagpapaliwanag tungkol sa retraksyon sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga tauhan sa buhay ni Rizal tulad nina Doña Lolay ( Daria Razon ), Josephine Bracken ( Lara Fabregas ), Doña Narcisa at Trining ( Rio Locsin at Cherry Pie Picache) , Paciano ( Joonie Gamboa ) at Padre Ballaguer at Oba at siyempre kay Rizal

Ang mga tauhan ay may kanya-kanyang moment ‘ika nga nila. Ang mga filmmakers ay isa-isang in-interview nina Ricky Davao at Cris Villanueva. At sa mga panayam na iyon ay ito ang mga lumitaw na punto:

• Mahal ba talaga ni Josephine Bracken si Rizal at kasabwat ba talaga siya ng mga paring Espanyol sa panghihimok kay Rizal ukol sa retraksyon?

• Hindi gusto ng pamilya ni Rizal si Josephine Bracken sa ito’y ‘makire’ at Kulang sa kaalamang pang-intelektwal.

• Pumayag ‘daw’ mag-retract si Rizal sa kadahilanang nais nitong maikasala kay Bracken.

• Isinulat ‘daw’ talaga ni Rizal ang Kasulatan ng Retraksyon ngunit hindi nilalagdaan hangga’t hindi sila naikakaksal ni Bracken.

• Ayon sa mga kapatid, particularly kay Paciano, hindi nagsisi si Rizal sa lahat ng naging sakripisyo niya para sa bayan kahit.

• Kung alam kaya ni Rizal na siya ay halos sambahin ng mga Pilipino, pipiliin pa kaya niya magpabaril sa Bagumbayan?

• At isa pa ay ang katanungang, kaya ba itinanggi Rizal ang tungkol sa pamumuno ng himagsikan ay sa kadahilanang hindi siya ang magiging bida?

• Naniwala ang pamilya ni Rizal na siya ay nagabalik-loob sa simbahan sa kadahilanang inilathala ang kasulatan nito.

• Lumitaw din sa pelikula kung bakit walang naging anaka si Rizal, mahal ba niya si Bracken talaga o bakla siya?

• Si Rizal, ayon kay Doña Narcisa, ya naging biktima lamang. Biktima ng akusasyong siya ang namuno sa himagsikan.

• Kung si Rizal ng ay nagbalik-loob sa Simbahan, bakit binaril pa siya sa harap ng maraming tao, sa Bagumbayan? Poitical criminal ‘daw’ kasi siya.

• Bayani nga ba si Rizal? O gusto lang maging bida?


(Pasensiya sa magulong pagkakasunod ng mga kaisipan.)


Maganda ang representasyon ng pelikula, kakaiba. Relaks. May humor na nakapagpanatili ng interes ng mga manunood sa pelikula. Hindi nagpka-tradisyunal ang pagkakagawa. May mga makukulit na banat ang mga tauhan sa pelikula kaya naman, enjoy panuorin.

Sa teknikal na aspeto nito, maganda ang eksekyusyon ng mga eksena. Simple, hindi masyadong sinauna at may timpla ng makabagong panahon. Tamang-tama lamang ang halo ng mga ideya. Spontaneous din ang ang daloy ng pelikula at madaling sundan. Hindi magulo ang pagkakaayos ng mga eksena, yung tipong hindi na nagpaka-“deep”.

Sa kalahatan, masayang panuorin ang peilkulang ito. Hindi makaluma, hindi rin naman sadyang makabago. At kung sa tingin ninyo mababagot kayo at katulad lang din ito ng ilan pang historical documentaries, panuorin ninyo para malamn ninyo. Sabay ang pagakatuto at pagkatuwa sa mga bagay-bagay.

Anak ng Tao

Hindi makapag-isip
Dahil sa pitong panaginip
Magulong tanong
Naghahanap ng magulong sagot.

Hindi magkamayaw ang mga palad
Sa pagsalo ng mga tumatalsik na laway
Mamasdan ang hamog
Pag-uwi sa bahay

Hindi maintindihan
Dahil ayaw intindihin
Ayaw pang tanggapin
Ang nakatakdang sapitin.

Mabango ang tagumpay
Nais nila’y maibibigay
Sarili’y hindi buo
Sa mundo mo’y malayo.

Anak ng tao
Ika’y nagkakamali
Nais man itama
Matagal nang nahuli.

Ulyanin

Bungi ang Bintana ng aking mga alaala
Madalas man dungawi?y wala namang makita
Kapag Tinanong ay walang masagot
Kundi man tingin ay panay bantulot.


Hindi naman nauubos ang espasyo
Umuukit lamang yaong mga bago
Hindi naman sa mas kinakailangan
Sa katunaya?y maglalaho rin naman.


Bumabalik ang iba kung minsan
Kahit sarado?y binubuksan
Kabigua?t tagumpay, iisa lang
Walang sariling isinasaalang-alang.


Hindi naman talaga sinasadya
Na mga alaala?y mawala
Humihingi ng inyong dispensa
Pagka?t makalimot ay hindi nakatutuwa.

Ubos-Oras

Palisaw-lisaw sa lansangan
Palinga-linga kung saan-saan
Maraming matang nakamasid
Nagtataka dahil ganito aking outfit.


Bubuksan ang floral kong payong
Kasabay ng talsik ng putik sa maong
Mabagal na paglakad sa eskinitang masikip
Humalo sa ulap ang pag-iisip.


Masyadong random ang mga gawain
Walang mapiling kainin
Puno na ang notebook ng mga sulatin
Ngunit ang relo'y mahaba pa ang tatakbuhin.


Kunsabagay, maya-maya'y hindi na nag-iisa
Nalalabing oras ng aking kaluluwa
Sana nga ay naging masaya
Sa pagwawaldas at pag-aaksaya.