Wednesday, April 14, 2010

Si Sign

December 24, 2009
3:05 am


Malamlam ang liwanag mula sa ilaw sa poste. Kasing lamlam ng aking pakiramdam. Pitong araw mula ngayon, napagpasiyahan kong pakawalan na ang isang bagay na inakala kong inagaw sa akin ng panahon ngunit sa katotohanan ay hindi naman naging akin kailanman. Isang damdaming Kulang sa dilig, o mas tamang sabihin hindi naman talaga tumubo.

Ang sabi ko sa sarili, hihingi ako ng sign. Kapag hindi kita mamataan man lang sa misa mamaya…ay suko na ako. Sa wakas, ay susuko na ako.

Sa first half ng misa (parang ball game), ay wala akong ginawa kundi lumingon-lingon sa bawat sulok. Naghahahanap sa bawat bulto ng tao. Sa bawat grupo ng magkakapamilya. Sa bawat barkada. Sa bawat magkapreha. Sa bawat nag-iisa.

Sa ISIP ko lang: “Ngunit wala ka. Wala ni anino mo.”

“Ano ba? Bakit ba hindi ka mapakali?”

“ Wala, Nay. Baka makita ko lang si Mia.”

(Si Mia ay isa sa malalapit kong kaibigan na tagarito lang malapit sa simbahan na kunwari inaasahan kong magsimba, eh hindi naman yata sumasamba sa kahit ano ‘yon. Maliban sa sarili.)

Si Sign (Obviously, hindi niya tunay na pangalan). Siya ang may kasalanan. Siya. Nang mapansin ni Nanay na lilinga-linga ako ay nag-lie-low muna ako. Pero nandoroon pa rin ang pakikiramdam. Hoping that I’ll see the sign. My sign. Okay, medyo dapat nagpa-panic na ako. Nasa parte na ng misa na nagbabatian na ang mga tao ng “Peace be with you.” Sa totoo lang, ayokong magbigay ng “peace” dahil wala ako nun. Wala!!! Lalo na ngayon na mukhang talo na ako.

Alam ko iniisip ninyo na bigla na lang lilitaw dito sa gitna ng pagsasalaysay si Sign. Iyon din ang akala ko dahil naniniwala pa ako na may pag-asa pa. But you know, all my hopes were crushed. As in. Wala nang natira sa akin.

I was thinking to myself and didn’t notice that the mass is over. I didn’t see the sign. My sign. He never came for me.

Matapos ang sampung taon, sa wakas, naging pinal na rin ang desisyon ko na pakawalan ang lahat ng nadama, nararamdaman at mararamdaman ko para sa kanya. Kung tutuusin, ako lang naman talaga ang nasa labang ito. Nag-iisip na meron akong ipinaglalaban. Na sobrang dakila ko dahil dito. Pero ang totoong kalaban ko ay ang siya ring ipinaglalaban ko. Iisa sila.

Simple lang, hindi niya talaga ako gusto.


December 25, 2009
7:37 am


Nagising ako dahil sa amoy ng spaghetting alam kong ang ginamit na sauce ay banana ketchup na may kakaunting halo ng tomato ketchup. Ayoko talaga ng lasa ng banana ketchup, kung sa banana talaga gawa iyon. Ang tamis-tamis kasi. Nakakaasar naman kasi si Nanay eh, hilig sa ganoong luto.

Iyon ang unang umokupa sa isip ko nitong umaga. Pasko pala ngayon. nagpakawala ako nang pagod na hininga. Wala ako sa mood magdiwang ngayon. Iniisip ko pa rin iyong sa simbahan kahapon. Anim na araw na lang. Dapat hindi ko na siya…

Kumain ako ng spaghetti, pero bakit hindi ko malasahan ang tamis nito. Ang tamis na kinaiinisan ko. Na inaayawan ko. Hindi na ba ako tinatablan ng tamis dahil sa pait na pinilit kong ibalot sa sarili ko nitong mga nakaraang taon? O dahil lang talaga sa nangyari o mas tamang sabihing hindi nangyari kahapon? Kahapon sa misang iyon.

Hindi ko alam kung PMS lang ba ito or what. Wala akong ginawa sa loob ng kwarto kundi mag-sentir. Mag-sentir.

“Hindi naman kita papakawalan dahil sa hindi na…hindi na kita mahal.” (hagulgol)

“Pero wala ka namang pakialam, dahil para sa iyo, ako ay isang ‘wala lang’. Wala namang epekto sa iyo kung ano ang gusto kong gawin. Kesehodang santuhin kita sa mahabang panahon o kalimutan ka na lang bigla, wala naman iyong magagawa.” (singhot)

“Ganoon pa rin, ako lang din.”

December 26, 2009

Tanghali na ako nagising. Lumipas lang ang Pasko nang ganoon. Senti mode. Actually, ini-expect ko na naman ang ganoon. Wala naman talaga akong espesyal na pangyayaring inaasahan. Wala namang nangyari. Ang unusual lang ay maya’t maya may lamang messages ang cellphone ko. Bumabati. Puro group messages naman lahat. Walang patungkol talaga sa akin. Iyong akin lang talaga. Marami ngang messages pero parang wala rin.

Another pakawala ng pagod na hininga.

Buong araw nakaupo lang ako. Kumakain ng mga natirang pagkain kahapon. Ganun lang, iyon lang. Wala sa akin. Parang walang nangyaring maganda sa akin mula nang magbakasyon. Hmmm, meron pala, nakabili ako ng t-shirt na designed by Apol Sta. Maria. Iyon Siguro. Pero maliban doon, wala na.


December 27, 2009

So bale Linggo ngayon. nabalitaan kong may Christmas Sale sa mall na malapit sa amin. Pero actually, hindi rin naman ganoon kalapit dahil, isang sakay pa ng jeep. Huwag mo ng itanong sa akin kung gaano kalayo ang isang sakay ng jeep. Hindi ako agad naniwala na may year-end sale na dahil Nanay ko ang nagsabi, nabasa niya raw sa banner. Hindi ako naniwala dahil hindi naman siya nakakabasa nang kahit na text message man lang dahil sa sobrang labo ng mata niya. So ang tinanong ko ang kapatid kong pasaway.

“Mong, may sale na ba sa SM? As in ngayon na ha?”

“Oo.”

“Paano mo nalaman?”

“Sabi sa akin ni Rap-Rap!”

“Paano niya nalaman? Tsaka sigurado ba ‘yun?

“Oo nga. Marunong ka pa kay Rap-Rap eh sa SM nagtatrabaho iyon.”

“Ah, okay. Sabi ko nga eh.”

Eh ‘di naligo na ako agad at hinaltak ang kapatid ko pang isa, si Chiching, sa mall. Pagdating namin sa loob, parang walang aura ng sale sa mall. Okay iyong ibang stalls napilitan maglabas ng iilang sabitan ng mga damit na ‘sale’ daw. So heto naman kami, tingin-tingin, ‘di naman bumubili. Nagsama pa kaming dalawa, isang kuripot at isang wala talagang ganoong magagasta. Okay, ikot-ikot, ayaw naman pakawalan ang pera. So okay, after some hours, I bought a book. Twisted 8 ½ . actually, nakita ko ang dalawang libro na gustong-gusto ko na talagang bilhin kaso lang kahit sale na sila, mahal pa rin. Ang una ay ang Of Love and other Demons by Gabriel Garcia Marquez at The Reader by Bernhard Schlink. Kalahati ang presyo pero ganoon pa rin mahal pa rin, balikan ko na lang, kaya hayun itinago ko na lang sa ilalim ng ibang libro. Sana lang iyong mga titingin roon hindi sa ilalalim nagsisimula tulad ng ginagawa ko. Maganda kasi simulan sa likod o ilalim ang paghahanap dahil nandoon ang ‘the best’. Lagi kasing itinatago.

So umuwi na rin kami agad, hindi pala kami handing pakawalang mga pera namin.

In fairness, maraming tao, pero sa dinami-dami nang tao, hindi ko man lang nakasalubong si Sign.

Hayyy…Sign pa rin. Sign. Pati utak ko nagsasawa na sa akin. Sa ka-o.a.-yan ko.





December 28, 2009

(blangko)

December 29, 2009
8:46 am

Facebook. Hindi ko na lang alam sa iyo kung hindi mo kilala ang Facebook. Maaga pa, pumunta na agad ako sa computer shop nina Inang . Mga ilang hakbang din ang nilakad ko. Malapit na medyo malayo. Hindi ako magaling sa pagtantiya ng mga bagay-bagay.

Pagdating ko sa comshop, kung saan wala pa sa bente ang bilang ng computer units, ay dadalawa palang ang customers. Maliit lang ang lugar pero malinis o sa paningin ko malinis kasi puti ang pintura ng mga dingding at hindi ko kailanman napansin na ito ay naging gray. Hindi ko namataan si Inang, ang may-ari ng computer shop. Si Inang ay isang tipikal na 60 year-old (tantiya lang), nakasalamin, lamang na ang puti sa itim sa kanyang buhok na hugis bombilya. Laging nakaputing tshirt at palda. Medyo hawig niya ang Senior Librarian doon sa larong Bookworm Deluxe, iyong laro sa computer. Mga limang minuto pa ako naghintay doon bago lumitaw si Inang.

“Net po.”

“Saan mo ba gusto?”

“Dito na lang po sa may headset.”

“Okay.”

Binuksan niya ang computer. At okay, heto na ako, nakaharap sa monitor. Go Facebook, Online Friends (5). Online ang isa sa iniidolo kong manunulat, okay ‘wag papansin. Okay, i-accept ang friend requests. I-view ang ini-stalk na guy. Hindi, jowk lang hindi ako stalker, medyo lang. Nire-research ko lang naman ang mga tulang ginawa niya. Mula ng 14 years old palang siya. Hahaha. Pati trabaho niya, pinakikialaman ko, pati friends ini-scan, mga gustong tugtugan. Hindi ako stalker. Sana makita ko siya ulit. Isang beses palang kaming nagkikita. Sa isang poetry discussion.

After one hour ng surfing…Online friends (28). Pinasadahan ko ng tingin ang mga pangalan sa online list, hmmm…schoolmate, former schoolmate, classmates, mga kakilala, mga hindi kakilala, isang sobrang kilalang-kilala. Si Sign!

Sa ISIP ko na naman:

“Ano ba, itsa-chat ko ba? Hmmm…pero hindi siya lumitaw doon sa simbang gabi, wala na akong dapat pang asahan sa kanya. Hindi na ito ang sign na hinihintay ko. Pero huling bira na ito. Kapag ini-snob ka niya, okay defined na kung sa defined.”


Okay, nagka-guts na ang mga daliri ko. Okay…isang right click na lang, teka bakit nawala na ang pangalan niya sa listahan? Nag-offline na siya. OFFLINE. Okay. Now I know. Hmmm. Anong gusto kong gawin? Wala. Iniiwasan niya ako. Lagi na lang. Okay.

Nag-out na rin ako at umuwi na lang.

December 30, 2009

Nagbabad ako ng mga gamit na tuwalya. Sumakit ang ulo ko sa sobrang bango ng detergent na iyon. Hindi talaga lahat ng mabango sa ilong, masarap sa panlasa, ayos pakinggan, maganda tignan ay okay. Minsan violence sa pandama! Violence! Teka, saan ba nanggagaling ang mga ito?

December 31, 2009
11:27 pm

“Ligaya mo’y pangarap na hindi maging aking kundi para sa iba…”

Sentimenta ang kantang ito ng isa sa mga trip kong lokal na banda. Hindi nila ito ni-release as a single. Masyado kasing emote eh. Okay, heto na ang huling araw na hahayaan ko ang sarili ko na isipin pa si Sign. Alam kong hindi na kami magkikita. Hindi hangga’t nasa katinuan pa siya. One last cry ang drama pero wala akong mailabas na kahit ano. Naubusan na yata.

Bago magpalit ng taon, ikinulong ko muna ang sarili ko sa CR. Hindi naman dahil sa gusto kong ‘maglabas ng sama ng loob’. Gusto kong ilabas muna ang lahat. Sa isip ko ay mga bula ng alaala. Isa-isang pumuputok. Gusto ko sabihin na, teka muna, ‘wag muna. Pero magawa para pigilan. Sana nga makalimutan ko na. ito na ang huling araw. Bukas hindi ko na siya, maaalala, itatangi mula sa karamihan. Katulad na lang siya ng mga makakasabay ko sa paglalakad sa kalye, makakasakay sa jeep, makakagitgitan sa LRT, ganoon na lang, makakalimutan na lang. Palalampasin. Hahayaan.

Soiree

The music is up
And so were the heartbeats
There were arm locks
Around necks and tiny waists.

Scent of the air
And breaths are one
Spirits and smiles
Intertwined with the right song.

Nothing is ever wrong
No one is ever alone
The night of rights
Feelings and coming along.

Sunday, April 11, 2010

Panaginip

Hindi na ako magsasalita
Hinid naman ito mahalaga
Tatahimik na lang para hindi mo marinig
Ang aking tinig

Hindi na ako ngingiti
Dahil walang may gusto nito…

Gusto mo ba?
Gusto mo ba akong tumawa...
Gusto mo ba?
Gusto mo ba?

Hindi na ako maghihintay
Ako na lang ang nandito
Alam kong hindi na kita makikita muli
Ayoko na dito

Hindi na ako maghihintay
Dahil ayaw mo namang hintayin kita

O gusto mo ba?
Gusto mo bang hintayin kita?
Gusto mo ba?
Gusto mo ba?

Alam mo para akong tanga
Dahil gumagawa ako ng sulat para sa ‘yo
Pero hindi ko naman ibibigay sa ‘yo
Sana mawala na ito.

Makata

Isang tula
Marami na kong naisulat para sa iba
Ngunit wala pang natanggap ni isa.

Isang tula
Nakilala para makalimutan
Tulad ng buhangin na binura ng ulan.

Isang tula
Puro mababaw na salita ang laman
Ngunit malalim ang pinagmumulan.


Mahal kita tulad ng hangin
Madarama mo rin.
Mahal kita tulad ng hangin
Makikita kahit hindi nakatingin.


Isang tula
Para sana sa isang katulad mo
Na hindi alam kung sino ako.

Hindi Masyadong Limang Tanong, Hindi Masyadong Limang Sagot (Wala akong maisip na angkop na title.)

(Babala: Lahat ng mababasa ay ituring na kathang-isip na lamang.)


*H: Hanna
*J: Janine
*R: Riza

(Mga taga-sagot ng mga tanong na itinanong din ng mga taga-sagot.)


Favorite flower?

H: Euphorbia
R: Euphorbia din at santan
J: Mickey Mouse Lantern

Favorite part mo sa KATAWAN ng Crush mo?

J: Leeg, batok, likod! O buong upper body na lang.
H: Ilong, mata tsaka buhok.
R: ako buong katawan. Kahit tanggalan n’yo ng ulo si *D okay lang sa akin.

*Isiningit na tanong: Ilang taon ka na?
(Si Janine natawa.)

Preferred AGE range for ‘your guy’?

R: 1 month younger till 30 years old. Ay, hanggang 31 pala kasi si Sir R*.
J: Must be older by at least 2 years old. Bale 20-36. Para kasali si Rico Blanco.
H: Three years older and below. (And below? 12 years old pwede?)

Anong kanta ang gusto mong ikanta sa ‘yo ng isang guy?

R: Love Will Keep Us Alive. Kahit alam kong hindi realistic.
J: Cannonball or a song entitled Beautiful by the singer with a surname of Nuo. Really can’t remember the first name.
H: Give me a chance kasi ang cute ng pagkakanta ni Guji sa Somewhere in my Heart. ( Nag-plug pa! Tapos na kaya yung palabas. Kahapon. )





Saan mo gustong pumunta ‘pag laki mo? (Nakakahiya itong tanong na ito! Si Hanna nag-isip!-*J)

R: Asia and Europe. ( Lawak ‘nun?)
J: Marrakesh to Hongkong (Tama ba spelling? Baka makita ko si Rico somewhere there.)
H: London, gusto kong makita si Harry (Potter).

Okay, pansamantalang natapos ang tanungan.nang naisip naming tatlo na magsali pa ng ilang interviewees. Ang una? Ang favorite classmate kong si Kuya Emman. Isinali rin namin ang mga classmate na sina Joyce at Loujie na kadaldalan namin nitong huling Law class na ang professor ay two weeks nang absent.

* E: E mman
*Jo: Joyce
* L: Lougie

Favorite flower?

E: Bulaklak ng damong ligaw. ( hindi niya talaga alam iyong favorite flower niya kaya nag-imbento lang ‘yan.)
Jo: Tulips.
( Anong kulay? Plum or Red? Teka pareho yata ‘yun?)
Jo: Yellow.
L: Bougainvillea.

Favorite part mo sa KATAWAN ng Crush mo?

E: Ngipin kasi sungki.
Jo: Hands. (Left or right?- Kulit ko.)
Jo: Right.
L: Braso. (May nagkakagusto pala dahil sa braso- Riza.)

Preferred AGE range for ‘your guy/ girl’?

E: Same age or older. Older by one generation. 15 years older.
Jo: Same age or one year older/ younger.
L: 18-25 (Ano ‘to? Binibining Pilipinas?)

Anong kanta ang gusto mong ikanta sa ‘yo ng isang guy?

Jo: Hold On by Shamrock
E: Captured (Christian Bautista & Sitti). ( Captured? Pokemon!-Hanna)
L: Friend of Mine (Pangit n’un sa lalaki.-Riza)



Saan mo gustong pumunta ‘pag laki mo?

H, J, R: Kuya Emman, bagay sa ‘yo yung tanong kasi ikaw na lang ang lalaki sa atin.

E: Mali naman kasi tanong ninyo dapat pagtanda!

J: eh bakit ba nakikialam ka? Si Hanna may gawa niyang tanong na ‘yan!

(Si Hanna nahiya yata. Nakangiti na lang.)

-Back to the ball game.-

E: Japan.
Jo: Japan.
L: Sydney, Australia.

*Okay, akala ko tapos na ang tanungan na ito. Harhar. Hindi pa pala. Dahil si Kuya Emman, ang lalaking mahilig sa Dora, nagdagdag ng mga tanong! Kapal ng mukha! Naging seryoso tuloy ang usapan.

Kung may personal thing kang ise-share sa ibang tao, ano iyon?

E: toothbrush
Jo: Unan. Kapag nag-share ako sa iyo ng unan ibig sabihin, special ka sa akin.
L: Kung nasaan ang balat ko.
R: Wala, selfish ako.
H: Napkin.
J: Gusto ko sa akin ise-share! Gusto kong i-share sa akin ng crush ko ang boxers niya o kaya t-shirt.

Ano/ Sino ang bagay, pangyayari o tao na pinaka-pinanghihinayangan mo?(Courtesy of Riza)

E: Hindi ako nagsimula nagsimulang mag-diary noong nasa Grade 6 pa ako.
Jo: Oras na nasayang sa mga walang kwentang bagay.
L: Perang nagastos at mga pagkakataon.
R: ‘Di ko naging friends lahat ng crushes ko at hindi ko nakita si Alodia sa Taiki.
H: Hanna. At tsaka iyong Nutrilicious na ibinigay ko(J) sa ‘yo kahapon.
J: Mga ideya na hindi ko naisulat at nakalimutan na lamang. At mga ideyang hindi ko maiisip at hindi ko maisusulat.






Ilang beses ka umiiyak sa loob ng isang buwan? (Courtesy of Hanna)

E: 1?
Jo: 3 times a week. (Bale average of 12 times a month.)
L: Nitong November lang. kapag nagigising ako nang gutom.
R: Hindi ako umiiyak.
H: depende sa nangyari sa akin sa buwan na iyon.
J: Nakasalalay ‘yan sa PMS (Pre-menstrual syndrome).

Ano iyong kanatang pinakamatagal mong kinaadikan?

E: Change your mind.
Jo: Wala.
H: Welcome to the Black Parade at Beep.
J: Huling El Bimbo.
Sina Lougie at Riza ay hindi naksagot hanggang sa matapos ang pagko-compile ng mga tanong.

Ano ka sa NEXT LIFE mo?

L: Stuffed toy, yung pinaka-cute!
R: Masayang tao na maraming pera.
H: Witch.
Jo: Humming bird.
E: Taong nabuhay noong World War I
J: Tao pa rin. Writer nga lang.+)


Haay…sa wakas na tapos na rin kami, tapos na kasi ang paghihintay sa professor na hindi dumating kaya tapos na rin ang daldalan. Wala, hindi ko alam kung paano ito iko-close. Next week mag-i-interview ulit kami. Harhar. Kung gusto mo ma-interview sabihin mo sa akin.

Hayop

Matitiis mong hindi sila kumain
Matitiis mong sila ay ginawin
Matitiis mong sila’y hubad
Walang sigla’t matutuluyan.

Masisikmura mong sila’y mapahiya
Basta ika’y maghapon nakahiga
Masisimukra mong sila’y masira
Basta ika’y matiwasay na nagpapahinga.

Sana hindi mo na lang sila ginawa
Sana hindi mo na lang nakilala kanilang ina
Sana hindi ka na lang nagkamali
Sana ikaw ay nag-dalawang-isip.

Ganito Ka na Lamang

Mga nakakasabay sa paglalakad sa footbridge
Mga nakakasakay sa punuang jeep
Mga nakakagitgitan sa MRT
Mga hindi napapansing mukha sa mall.

Hahayaan na lang
Ang ganun na lang
Palalampasin na lang
Nang ganito na lamang.

Huling-huli na ang lahat
Binakante na ng alaala mo
Ang isipan ko
Sa wakas.

Bulong

Hanggang sa ngayon ay wala pa ring pamagat
Damdaming patuloy na kumakagat
Sa isipang walang laman
Kung hindi ikaw lang naman.

Matagal na rin nang huling sumulat
Ng isang tulang tulad nito
Katotohanang ayaw magtapat
Kaya patuloy na nagbabalatkayo.