Friday, June 5, 2009

Malalanding Gabi



Masyado 'atang mahalay ang title ng blog kong ito. Pero sa totoo lang hindi naman ito intense. 'wag mag-alala dahil safe itong basahin ng mga kids although hindi ko alam if they will even read my blog. Back to the topic, malalanding gabi. Hindi ko na mabilang kung ilan ng beses dumalaw sa akin ito. Ano ba ang ibig kong sabihin sa mga bagay na ito. Wala lang, naiisip ko lang siya. Siya na hindi ko na makikita ulit, hindi na makaka-usap pa. Lagi ko na lang naiisip isipin na paano kaya kung tigilan ko na ang pag-alala sa lumang alaalang yun. Medyo destructive na siya sa system ko mga men. Hindi ko naman kayang pakawalan ang isang dekada ng ganun-ganun na lang. Ewan ko kung naiintindihan ninyo ang mga pinagsasabi ko at kung nagkaka-konek konek ang mga thoughts.

Simple lang naman eh. Mababaw lang kumbaga. Ito ay tungkol sa walang kamatayang un-reciprocated love. Alam ko na hindi ako dapat nag-iinarte ng ganito pero hayaan ninyo na ako, minsan lang ito. Minsan lang ako maging babae at magkapuso. Madalas kasi ay naiiwan ko 'ito sa loob ng drawers namin sa bahay o kaya naman ay naiipit ko sa pages ng "journals" ko. Ayun, sa sobrang hardcore ng damdamin ay kinikilabutan ako, tumatayo ang mga best friend kong balahibo kapag naiisip ko ang lahat. Sa totoo lang, ang hina-hina ko dahil naiwan na ako ng oras ay stranded pa rin ako.

Siguro nga, ang kalandian ko ay hanggang sa isip ko na lang. Patuloy kong maiiwan ang puso ko sa loob ng mga kahon at mga pahina.

No comments:

Post a Comment