Monday, June 8, 2009

Mama

Ako ang may sala
Maski na ako'y isang bata
Ako ang dahilan ng pag-iyak ni Mama
Bakit niya pinakasalan si Papa?

Bakit hindi mo siya hinintay
Disinsana'y mas maayos ang buhay
Hindi ka sana mapapagod
Sa araw gabi na pagkayod.

Ang malas mo pa't ako’ng naging anak mo
Walang kwenta't walang paki sa 'yo
Sugal at droga kaibigan ng asawa mo
Tinatanong sa taas bakit nagkaganito?

Mali ka nga ba sa pagmamaniobra
O sadyang dapat sisihin ang tadhana?
Baka ikaw naman talaga ang may sala
Hindi mo matanggap kaya isinisisi sa iba.

No comments:

Post a Comment