Nasiraan ang bus
Kay aga-agang kamalasan nito
Muntik na akong masagasaan
Nasigawan ni Manong Jeepney Driver
Nakakainis talaga
Ang ingay-ingay dito,ang sakit sa ulo
Ang bilis ng aming takbo
Pero tuloy pa rin ang pagtulog ko
Ang pagtulog ko
Ang pagtulog ko.Ang pagtulog ko.
Andito na pala ako
Lakad,lakad,sige takbo
Wala naman pala akong dadatnan
Hindi naman pala kinakailangan
Ang layo pa naman ng nilakbay ko
Nahilo sa biyahe at sumakit ang ulo
Ang haba pa naman ng kalyeng to
Ngunit kahit ganun,andito pa rin ako
Andito pa rin ako.Andito pa rin ako.
Andito pa rin ako.
Bakit ba ayaw mo pang bumaba?
Mula sa utak ko.
Hindi ka ba marunong pumara?
Para kang pasaherong nawawala
Hindi alam kung saan pupunta.
No comments:
Post a Comment