Monday, June 8, 2009

Nasa sa 'Yo Lamang

Nasa sa 'Yo Lamang

Sa pagpatak ng ulan
Hindi mo maintindihan
Kung bakit sunud-sunod
Ang pagbagsak nila.

'Wag kang malungkot
Kung ikaw ma'y mabasa
'Wag kang iiyak
Kung maraming problema.

Maaaring maputikan ang iyong mga paa
'Wag kang aasang may magpupunas niyan
Matutong magtiis at masanay
Matutong makibagay.

At kung nakasanayan na
Pagbuhos ng ula'y 'di na alintana
Hindi kailangang mainip
Dahil sa 'yo'y pag-ula'y wala na.

No comments:

Post a Comment